Magandang araw po sa ating lahat!
Una sa lahat, nais ko pong magpasalamat at magbigay-pugay sa bawat isa sa inyo. Sa bawat patak ng pawis, sa bawat sakit ng katawan, sa bawat sakripisyo ng oras—saludo po kami sa inyong lahat. Taos-puso ang aming pagbati sa inyong matinding pagsusumikap ngayong Season 68. Hindi man palaging panalo ang resulta, panalo naman tayo sa disiplina, teamwork, at puso.
Ngayon, habang tinatahak natin ang panibagong yugto sa ating pagsasanay—mas pinatibay at mas pinalawak na pasilidad ang ating inaasahan. Salamat sa suporta ng mga magulang, coaches, at pamunuan, unti-unti nating nakikita ang pag-usbong ng ating tahanan para sa sports.
Excited na rin kaming ipakilala ang mga bagong manlalaro—mga batang puno ng potensyal, gutom sa tagumpay, at handang matuto. Hindi ito simula lang ng panibagong season, kundi simula ng panibagong lakas at bagong pag-asa.
Kasabay ng mga bagong miyembro, ay ang pag-implementa ng mas istriktong training system, para sa basketball ...