BuzzerBeater Forums

BB Philippines > National Team Speeches

National Team Speeches (thread closed)

Set priority
Show messages by
From: Raddy
This Post:
33
316612.2 in reply to 316612.1
Date: 11/02/2022 11:43:12
Radioactives
III.14
Overall Posts Rated:
9090
Second Team:
The Bench Warmers
Hello everyone, Raddy here. Running for a second term as the Senior National Team Manager.

Maraming salamat sa suportang natanggap natin sa aking unang termino. Lalong-lalo na sa mga managers na walang sawang nagti-train at nagme-maintain ng mga National Team Players natin sa kasalukuyan at hinaharap.

Sa unang dalawang season ko, masasabi kong marami akong natutunan sa paghahawak sa NT (na hindi rin pala biro).

In Season 57, natalo tayo sa host sa Semis which is something we can live with. Homecourt advantage is a big thing sa Asia Cup. In Season 58 naman, nag-umpisa tayo sa Repechage na nabigo against Italia. They used more effort na hindi ko rin inasahan bilang unang laro ng season, kung tumulad tayo ng effort sa kanila that game, baka mas maganda yung tsansa nating manalo (which I honestly think was slim).

Bilang hindi tayo nakalusot sa Repechage, nag-start tayo as 0-2 sa consolation which put us in a bit of a disadvantage (this is addressed already dahil babaguhin na ang format ng World Cup at World Cup Qualifiers simula Season 60). We managed to win 5 straight until natalo tayo sa Cyprus with them putting much more effort (Crunch against TIE) dahil naghahabol sila sa standings na hindi rin naman sila pinalad makapasok sa Top 32. Tayo ay lumapag lamang sa #30. 5-3 ang naging record natin in the end. Sa knockout phase, Canada ang una nating nakaharap kung saan more effort din sila laban sa atin. Natalo tayo. Kung same effort sana ang nilaro natin, baka nagkaroon tayo ng tsansa makalusot sa sumunod na round.

Isa sa natutunan ko sa una kong termino ay huwag mag-atubili kung kailangang manalo. Huwag tayong matakot gawin ang lahat para manalo. No more half measures. Sa susunod kong termino, mas paiigtingin pa natin ang effort natin to win each and every game. Ginto pa rin ang ating layunin, ang nais nating makamit sa Asia Cup at World Cup (balang araw). Hindi man sapat ang ating talento sa ngayon, taktika ang sa ati'y bubuhat. Naniniwala akong sa mga susunod pang panahon ay mas uusbong pa ang mga manlalarong pinoy. Dumarami ang mga nais matuto at nais mag-train ng players nila to reach the National Team. Yan ang pagsibol na ating inaasahan mula sa ating komunidad. Wala pa man tayo sa kalahati ng current number of teams sa ngayon, dadami at dadami tayo basta't magtutulungan tungo sa pagpapabuti pa lalo ng ating NT program.

Muli, maraming salamat sa lahat ng suporta mula sa community. Ako'y umaasa na maipapagpatuloy pa natin ang ating nasimulan.

Regards,
Raddy