Pilipinas(45) vs Saudi Arabia(39) 114-101
(24125)Dismayado ang Team Pilipinas sapagka't hindi sila nakaboto, subali't hindi iyon naging hadlang para ilampaso ang Saudi Arabia sa iskor na 114-101. Inumpisahan ng mga Pinoy ang magandang 1st quarter sa iskor na 32-22, si The Pope Evangelista ay nakatala ng perpektong 6/6 FG sa 1st quarter na may 12 points, nakatapos siya ng 29 points sa buong laro. Bumalik naman sa "Fantastic Form" si Abada dahil sa kanyang mga superstar moves at nakaimbak siya ng 27 points at 10 rebounds.
Matinding panalangin talaga ng kapag starter si Evangelista, biruin mo bawat tira niya may kasamang dasal. - patawang sabi ng fan.
Gumana ulit ang combo ni Wonder Boy Pelesco at Kuya Greggy Crisostomo na may kabuuang 15 assists at 9/17 FG.
Kahit na pangit ang kondisyon ng ibang players, nakayanan pa rin ng Pilipinas na manalo kahit mas bumigay ang Saudi Arabia. Sabi nga ni PH-cezzz,
Malakas ang pers payb ng Saudi, proficient ang GS pero mas malakas ang puso ng koponan natin, Legendary. Sana sa susunod na laro lalo na kung Iran ang kalaban natin ay maging maganda ang kundisyon ng ibang manlalaro. Wala na rin sa cup iyong iba diba? Sana maayos na ang lahat at patuloy tayong maging dominante ulit.
Kasalukuyang nasa #2 tayo sa istanding. Ang susunod nating makakalaban ang ang Team Malaysia. Sana marami ng manood dahil tapos na ang eleksyon. Mabuhay Pilipinas!
Last edited by PH-cezzz at 5/13/2013 10:32:42 PM