BuzzerBeater Forums

Philippines - IV.6 > SAF44HEROES History

SAF44HEROES History

Set priority
Show messages by
This Post:
00
268255.1
Date: 03/11/2015 21:20:52
Overall Posts Rated:
00
(League IV.6) Nagsimula ako maglaro limang araw na ang nakalipas, isang game bago ang all stars, ang team na nakuha ko ay puno ng mahihinang player, inalis ko yung mga matanda at mababa ang potential, at may natirang 7 players sa team, wala pa naman salary floor ang mga baguhan kaya ok lang na konti ang player mas malaki maipon kong pera. Nagpagawa rin ako agad sa expansion ng ARENA 5 o limang luxury Box.....wala kasi kahit isa...sayang naman...yung ibang category bleachers, lower tier, court side, saka ko na dagdagan....iaadjust ko na lang ang price nila kada laro depende sa demand. sa standings ng league IV.6 nauuna ang team ng 22 jump street na sinusundan ng DIRE DRAGONS, BACOR GRAVELS, AT LC CHIEFS.

This Post:
00
268255.2 in reply to 268255.1
Date: 03/11/2015 21:33:34
Overall Posts Rated:
00
Ngayong season (SEASON 30) dahil ang namana kung team ay pangalawa sa pinakamababa sa standing na may 4-9 na record, hindi muna ako bibili ng mga p-layer.....tignan ko sa off season bago mag (SEASON 31) kung mababa ang presyo ng player pero kung may maganda baka magdesisyon ako na bumili para lumaban at ma promote sa division 3 pero kung wala.....ipon na lang muna ng pera.....para sa (SEASON 32) na ako magtatanka na mag champion at ma promote. kakainip maghintay pag ganun pero ganun talaga....rebuilding muna at tamang pag manage ng pera ng team.

This Post:
00
268255.3 in reply to 268255.2
Date: 03/12/2015 08:12:16
Overall Posts Rated:
00
w0w hanep,. beterano kna cguro sa mga fantasy games. ,


This Post:
00
268255.4 in reply to 268255.3
Date: 03/13/2015 02:03:26
Overall Posts Rated:
00
hanep? beterano? bakit naman?.......ilang araw na akong nagbabasa sa forum, at iniintindi ang larong to. sinunod ko lang lahat ng sinabi nila sa forum, kung may dapat pa akong malaman na wala sa forum,....pakisabi na lang sa akin ha ha ha.. naglalaro ako ng DOTA2 at HON (heroes of newerth) , ace of spade (build and shoot)

This Post:
00
268255.5 in reply to 268255.4
Date: 03/13/2015 09:20:50
Overall Posts Rated:
44
bro... gagaling ka. dati akong taga d2 eh. gagaling ka tlga.

This Post:
00
268255.6 in reply to 268255.2
Date: 03/14/2015 00:08:00
Overall Posts Rated:
00
update: inalis ko na ang gastos ko for scouting expenses, nagbayad kasi ako para sa 2 scouting balls last week (may 8 scouting balls ako sa ngayon), mababa naman ang ranking ko at malamang mas makabuti sa akin na tuloy tuloy na matalo hanggang matapos ang season para makasiguro na makakuha ako ng maayos sa draft. tutal hindi naman ako marelegate kasi nasa league IV na nga ako ha ha ha....at may attendance boost pa ako sa ngayon pati yung 50k na bigay ng game for 5 weeks....kapag sinuwerte ako makakuha ng MVP o HALL OF FAME potential na player, ibebenta ko ito sa malaking halaga, tutal wala naman akong maayos na trainer. at hindi ako magfocus sa pagtrain ng player gamitin ko na lang ang pera na makuha ko sa pagpagawa ng ARENA,...sobrang baba o sobrang liit kasi kumpara sa ibang team. haaaay tagal pa pala bago lumakas ang team ko.

This Post:
00
268255.7 in reply to 268255.6
Date: 03/16/2015 20:14:06
Overall Posts Rated:
00
kakatamad na,....hindi na ako naghintay ng offseason para tignan ang presyo ng mga player, nagpagawa ako ng 1000 bleachers sa halagang 200k (10 days ang tagal), 4500 lang kasi ang starting bleacher capacity ko,....after 10 days nasa 5500 na ang bleacher ko, meron daw akong weekly income na 100k......after 10 days ipagawa ko ulit yun ng 1000 bleachers.....para maging 6500 bleachers ang arena ko.

This Post:
00
268255.8 in reply to 268255.7
Date: 03/20/2015 05:33:33
Overall Posts Rated:
44
bro sa tingin ko wag mo imadali yung pagawa ng arena.... baka maubos pera mo kaagad.

This Post:
00
268255.9 in reply to 268255.8
Date: 03/22/2015 22:30:22
Overall Posts Rated:
00
hmmmm....ang pagpalaki ng ARENA ay talagang kukuha ng gastos sa yo, gawin mo man ito ng mabagal o mabilis,......sa league IV man o sa ibang mas mataas na league III, II, o PPL......at yung pera na ilagay mo dito ay talagang nakakahinayang.....pero ganun talaga yung desisyon na dapat mo pagpilian.....bibili ka ba ng player o papalakihin mo ang ARENA? ang pagpalaki ng ARENA ay importante kasi may schedule lang ang pagbago ng price ng ticket....ibig sabihin pag bumili ka ng mga magaling na player at nanalo ang team mo pero hindi mo mabago ang price ng ticket at kulang ang seat capacity mo....nawawalan ka ng pera,...hindi mo naman pwede taasan agad sa simula kasi kokonti lang ang manuod dahil mahal at hindi pa tumataas ang standing mo. pero ano ang pinaka inisip ko na basehan kaya pinili ko na lang gumawa ng ARENA? eto "The salary floor does not apply to new teams for their first sixteen weeks" ha ha ha ang mga bagong team ay walang pressure na bumili o kumuha ng player para maabot ang floor salary na may penalty na pagkatapos ng 4 na buwan. ha ha ha.....wala ring pressure na marelegate kasi league IV na nga ako ha ha ha kaya lahat ng pera na matipid ko mapupunta sa ARENA. pagkatapos ng apat na buwan saka ako lalaban....kung ma promote ako sa higher league...wala ng problema......hindi katulad ng mga kalaban ko....nahahati pa ang gastos sa team at pag gawa ng ARENA. lalaruin ko lang ang team na ito na parang HI-SCHOOL team....hindi sya malakas pero nag tratraining ang mga makuha ko sa draft.

This Post:
00
268255.10 in reply to 268255.9
Date: 03/23/2015 01:58:42
Overall Posts Rated:
44
sge sge sori sori bro... dapat di ko na nasabi yun.... alam ko naman lahat ng sinasabi mo sori mali yung nasabi ko kanina.....

This Post:
00
268255.11 in reply to 268255.10
Date: 03/23/2015 23:31:49
Overall Posts Rated:
00
huwag ka mag alala kahit maubos ang weekly income ko sa pag gawa ng arena....at lagi akong talo at mababa ang standing,.....makabawi ako sa draft.......malamang makakuha ako ng mataas na potential na player tulad ng MVP o HALL OF FAME.....mataas daw ang bentahan ng mga ganitong player...nasa isang million,...humigit kumulang. sana nga swertehin ako sa draft ha ha ha.